Kuya Kim Isiniwalat Ang Estado ng Friendship Nila Ni Vice Ganda!

Martes, Marso 14, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang tila palitan ng pasaring ni Vice Ganda at Kuya Kim sa social media, iniisip ng ilang mga netizens na hindi na magkaibigan.


Matatandaan na tila ipinagtanggol ni Kuya Kim ang dating kasamahan sa It's Showtime na si Karylle sa pagdi-disrespect umano ni Vice Ganda.


Agad naman itong sinagot ni Vice at tila pinasaringan si Kuya Kim na nakikisawsaw lamang sa isyu upang mapasama sa mga trending topic sa social media.


“Yes, trending din siya. Nakuha niya yung gusto niya. Ikaw talaga Kuya!”


Kaya naman ngayon tila pinili na ni Kuya Kim na linawin ang lahat at isiniwalat na hanggang ngayon ay mabuting magkaibigan pa rin sila ni Vice Ganda.


Pagkatapos ay ipinaliwanag niya na ang inaakala ng mga tao na may hindi sila pagkakaunawan dahil sa ilang pag like niya ng mga post laban kay Vice Ganda ay isa lamang misunderstanding.


“Vice and I are friends, magkaibigan kami. Misunderstood lang siguro,” pahayag ni Kuya Kim.


Isiniwalat pa niyang nagka-usap pa lamang silang dalawa nitong kamakailan lamang.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo