Ibinunyag ng aktres na si Liza Soberano ang dahilan kung bakit niya tinanggihan ang Darna na sa una ay nilayon na maging movie project bago napagdesisyunan na gawin na lang isang serye.
Unang inalok kay Liza Soberano na gawin ang proyektong ito matapos mag-backout ni Angel Locsin dahil sa kanyang back injury. This made Liza’s fans so excited and they waited for it happen. Gayunpaman, napakatagal ng paghihintay at kalauna'y hindi na natuloy.
Sa bandang huli, inanunsyong hindi na gagawin ni Liza ang proyekto. Ayon pa sa mga ulat, ito ay dahil sa finger injury na natamo ni Liza Soberano habang nag-filming para sa seryeng Bagani. Pagkatapos, ibinigay ang proyekto kay Jane de Leon.
Sa isang exclusive interview na inilabas sa YouTube channel ng King of Talk Boy Abunda, naitanong niya kay Liza Soberano kung bakit hindi natuloy ang Darna. Binanggit ng aktres ang kanyang panayam sa TV Patrol kay MJ Felipe kung saan sinabi niya na ito ay dahil sa kanyang finger injury.
Gayunpaman, nilinaw niya na hindi lang ito ang dahilan. Ayon kay Liza, pangunahing dahilan ng pag-back out niya sa Darna ay ang kanyang mental health.
“There is more to that. It was severely affecting my mental health,” pag-amin ni Liza.
Sa mga panahong iyon, nagkaroon din umano siya ng realization na gusto niyang gumawa ng higit pa.
Ibinahagi rin ng aktres na dalawang taon niyang pinaghandaan ang Darna habang ginagawa pa rin niya ang Bagani. Sa pagitan ng mga pahinga, nagsasanay siya.
Ibinahagi pa ni Liza na anim na araw siyang nagsasanay para sa Darna, habang ginagawa rin ang teleseryeng Bagani. Subalit kahit ano paman ay hindi pa rin siya sapat at tila hindi pa rin sapat ang lahat ng kanyang ginagawa.
“No matter how skinnier I got, no matter how much stronger I got, it never felt that it was enough,” pagsisiwalat ni Liza.
Naramdaman niya iyon dahil iyon ang sinasabi ng mga tao sa kanyang paligid dahil dito nagsimula siyang hindi maniwala sa kanyang sarili at ang dahilan sa likod nito ay ang pressure.
Sinabi ni Liza na ang kanyang management ay patuloy na nagsasabi sa kanya na ang Darna project ay dapat gumana at ito ay dapat na ito ang pinakamalaking Darna sa lahat ng nauna.
Noong una, naniniwala si Liza na posible iyon ngunit habang tumatagal, nawalan siya ng tiwala sa sarili. Ibinahagi niya na kapag siya ay naging napakapayat, "sila" ay nabalisa ngunit kapag siya ay tumaba ng kaunti upang makakuha ng muscles, sinasabi namang sobra ang kanyang timbang para sa role.
Dahil dito, naramdaman ni Liza Soberano na hindi siya naging sapat at hindi na natutuwa sa kanya ang lahat. Dahil rito naaapektuhan na ang kanyang sarili at ang kanyang mental health.
“I didn’t think that I’m deserving of the role anymore and I didn’t think that I can do it,” saad ni Liza.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!