Labis ang panghihinayang ng showbiz columnist na si Manay Lolit Solis sa pagkakatigil ng noontime show na Tropang LOL.
Nauna nang naiulat na sa March 29 na ang huling taping ng nasabing show at mapapanood naman sa April 29 ang huling episode nito.
May mga usap-usapan rin na matitigil ang Tropag LoL upang bigyang daan ang pagbabalik ng Face to Face na iho-host ni Karla Estrada.
Kaya naman maging si Lolit Solis ay nanghihinayang sa nangyari sa Lunch Out Loud gayung mataas naman umano ang rating nito.
"Sayang ang Lunch Out Loud na Brightlight ang nag produce sa Channel 5 Salve. Isa sa paborito ko si Billy Crawford na mahusay at very articulate magsalita."
"Saka kita mo na pinag paguran nila PatP ang production. Kahit si papa Albee nanghihinayang na kinuha ng Channel 5 ang oras ng LOL para sa ibang programa."
Pagkatapos, ibinahagi rin ng showbiz writer ang kanyang opinyon tungkol sa mga kumpanya ng telebisyon ngayon. Bukod sa GMA, at ABS-CBN na content provider na ngayon sa ibang platforms, mayroon ding TV5, Net25, at ALLTV.
"Bongga talaga ang network scenes ngayon, nandiyan pa ang All TV, na siyempre naghahanap din ng contents kaya parang ang luwag luwag ngayon at puwede magbigay ng mga ideas at contents para sa production. Bongga Salve at Gorgy, magiging busy tayo."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!