Nagbigay na ng pahayag si Maja Salvador sa gitna ng napapabalitang rebranding issue ng longest-running noontime show na Eat Bulaga.
Sa ginanap na press conference ng kanyang talent management na Crown Artist Management, naging maingat siya sa pagsagot sa mga katanungan tungkol sa napapabalitang isyu ng Eat Bulaga.
Itinanggi rin niya na nagpupulong ang mga executive ng Eat Bulaga at Television and Production Exponent Inc. (TAPE Inc.) para talakayin ang internal issue na nagaganap ngayon sa show.
May mga tsismis din na ang mga kasalukuyang host ng Eat Bulaga, kabilang sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ay aalis sa show para gumawa ng sariling programa kung hindi pa nareresolba ng maayos ang isyu.
Nang tanungin si Maja kung willing ba siyang sumama sa mga kapwa niya Dabarkads kung sakaling may mangyari ang hindi inaasahan, mabilis niyang sinagot.
“Yes, yes! Kung ano man po yan. Basta kung ano pong kailangan niyo sa akin at makakapagbigay tayo ng isang libo’t isang tuwa ika nga. Kahit sa moon pa!” saad ni Maja Salvador.
Nauna nang naiulat na magkakaroon ng muling relaunching ang Eat Bulaga sa April 17, 2023, gayunpaman, walang sinuman sa noontime show ang gustong kumpirmahin ito.
Inaasahang magsasagawa ng press conference ang mga executive ng TAPE Inc. sa April 15, 2023, para sagutin ang lahat ng isyung kumakalat tungkol sa Eat Bulaga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!