Male Celebs Na "Naging Host" Ng Eat Bulaga Mula 1979

Huwebes, Marso 9, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng isyung kinakaharap ngayon ng noontime show na Eat Bulaga sa magaganap umanong rebranding nito, ating balikan ang 50 male celebrities na naging host ng show na nagsimula noong 1979.


Eric Quizon.




Si Eric Quizon na isa sa mga anak ni Dolphy ay naging host din ng Eat Bulaga noong '90s. Sa mga panahong ito isa si Eric sa mga sikat na matinee idol na hinahangaan ng maraming kababaihan.


Dalawang beses siyang nabigyan ng kontrata sa Eat Bulaga, mula noong 1992 hanggang 1993. Paglipas ng ilang taon ay muli naman siya naging host mula 1996-1998.


Jao Mapa.




Naging host ng Eat Bulaga si Jao Mapa noong 90's naging maikli lamang ang pananatili niya sa show dahil pinagtuunan niya ng pansin ang kanyang pag-aaral.


Danilo Barrios.



Nagsimula sa pagiging dancer si Danilo sa show hanggang sa maging isa na rin siya sa mga host nito noong 1998.


Dencio Padilla.



Taong 1983 naging bahagi ng Eat Bulaga bilang host ang sidekick ng mga artista na si Dencio Padilla.


Dingdong Avanzado



Regular na nagiging guest noon si Dingdong Avanzado sa Eat Bulaga hanggang sa napabilang na rin siya bilang host nito noong 1987 hanggang 1988.


Francis Magalona.



Matagal na naging host ng Eat Bulaga si Francis Magalona. Ang Eat Bulaga rin ang huli niyang pinaghostan bago siya namatay noong 2009. Nagsimula siyang maging host rito noong 1985.


Herbert Bautista.



Naging host si Herbert Bautista sa Eat Bulaga mula noong 1989 hanggang 1992.


Jomarie Yllana.



Naging parte ng show si Jomarie Yllana noong 2000. Ito ang panahon ng kanyang kasikatan.


Keempee De Leon



Naging host din ng nasabing show ang anak ni Joey De Leon na si Keempee De Leon mula noong 2004 hanggang 2016. Tila hindi naging maayos ang pag-alis niya sa show dahil bigla na lamang umano siyang tinanggal.


Michael V.


Naging host naman si Michael V. ng Eat Bulaga mula noong 2003 hanggang 2016. Hindi naman naging malinaw kung ano ang totoong dahilan ng pag-alis niya sa show.


Nino Muhlach



Naging bahagi rin ng Eat Bulaga bilang host si Nino Muhlach sa maikling panahon noong kabataan niya.


Ogie Alcasid.



Naipamalas rin ng singer na si Ogie Alcasid ang kanyang galing sa paghohost sa Eat Bulaga noong 1988 hanggang 1989.


Jimmy Santos.



Matagal ring naging bahagi ng show si Jimmy Santos mula pa noong 1983. Bago magpandemya ay paminsan-minsan pa ito nakikita sa show.


Anjo Yllana.



Matapos ang 21 years na pagiging host ng Eat Bulaga, ibinahagi ni Anjo sa kanyang social media ang pagreresign sa nasabing show noong 2018.


Janno Gibbs.


Anim na taon naman ang itinagal ni Janno Gibbs sa noontime show na Eat Bulaga, mula noong 2001 hanggang 2007.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo