Marco Sison nagsalita na sa pagpanaw ng kanyang apo na si Andrei Sison.
Si Andrei ay anak ni Alain Marco Salvador, aktor at dating miyembro ng That's Entertainment, at anak ni Marco Sison kay Tess Salvador na Half sister naman ni Philip Salvador.
Ang kanilang kamag-anakan sa showbiz ay nagluluksa sa maagang pagpanaw ni Andrei sa edad na 17 ngayong araw March 24.
Ayon sa report ay na aksidente ang sinasakyan ni Andrei sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City, kaninang alas 3s ng madaling araw.
Ayon kay Marco ay magaling umano si Andrei sa pag-awit na nagmana sa kanya dahil ang ama daw ni Andrei ay madalas daw na magpadala ng mga voice recording ni Andrei sa tuwing kumakanta at proud daw na ipinaparinig ang magandang boses ng anak.
Kaya naman alam niya na may potensyal na daw ito sa showbiz, pero dahil sa nakita niya na may talento si Andrei ay binigyan niya ito ng payo noon, ito ay ang ipagpatuloy ang pagsasanay.
Nagpapasalamat din si Marco sa lahat ng taong nakikipagdalamhati sa kanilang pamilya.
Nagbigay din siya ng detalye ng burol ng kanyang apo na gaganapin sa Loyola Memorial Chapel, sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Saad ni Marco, "Our family Saddened by the sudden tragic demise of Adrei, he is only 17 years old."
"I along with his father Alain Marco Salvador saw some promise of him entering the showbiz industry."
"He sings really well and his father sends me his voice recording from time to time."
"Medyo mahiyain siya but there's potential and my advice to him was practice more."
"We appreciate all your message of condolences, these will help us through our grieving process knowing that Adrei is loved and remembered by his friends. Maraming salamat po sa inyong lahat."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!