Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang paghihiwalay ng dalawang influencer na sina LJ Satterfield at Ronnie Suan na mas kilala sa kanyang alyas na 'Boy Tapang'.
Matatandaang hindi naging maganda ang pagtatapos ng tandem ng dalawa matapos mabunyag na palabas lang ang kanilang 'relasyon' para magkaroon sila ng content sa social media.
Ayon kay Suan, ginamit lang siya ni Satterfield pero inamin din niya na nahulog din siya sa kagandahan ng Filipino-American influencer.
Habang sinabi ni Satterfield na hindi niya gusto ang 'green jokes' ni Suan sa kanilang content.
Pero may ilang netizens ang nagtatanong kung bakit hindi natutuwa si Satterfield sa mga biro ni Suan kung dati ay 'rated SPG' ang content niya.
Binalikan ng ilan sa mga netizen ang ilang video ni Satterfield kabilang na ang kanyang 'no bra challenge' kung saan naligo siya sa swimming pool nang walang pang-itaas.
Ang nasabing video ay ibinahagi ni Satterfield noong 2020.
“Before ko inapload ito ay dinouble check ko to to make sure na walang makitang kakaiba,” sabi ng influencer.
“At meron po tayong nilagay na mga stickers para matakpan ang mga di kanais_nais na mga bagay.Huwag po tayong maging oa sa pag react po,” dagdag niya pa.
Umabot sa mahigit 600,000 view ang nasabing video at pinanood ng libu-libong kalalakihan na hindi mapigilang isipin ang hamon ni Satterfield.
Nilinaw ng influencer na ang content na ginawa niya ay katuwaan lang.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!