Umatras na raw ang pamilya Jalosjos at walang matatanggal sa longest running noontime show, ang Eat Bulaga.
Ayon sa source ng isang entertainment website, walang magbabago sa longest running noontime show na Eat Bulaga at mananatili pa rin ang iconic trio nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.
Aniya, hindi na itutuloy ni Jalosjos ang pagpapalit sa mga tao sa Eat Bulaga dahil ang posibleng dahilan ay ang mga negatibong batikos na ibinabato sa kanila sa social media.
Ayon sa mga ulat, umatras ang pamilya Jalosjos sa kanilang plano dahil sa pabalik-balik na bash na natanggap nila online. Kaya naman mananatili pa rin ang mga staff at host ng noontime show.
Samantala, ayon din sa ulat, posibleng magpahinga muna si Tony Tuviera sa paghawak ng Eat Bulaga dahil ayon sa source, posibleng magretiro na ito.
Matatandaang nauna nang naiulat nang pumasok ang mga Jalosjo sa pamunuan ng Tape Inc, agad nitong ipinag-utos ang malawakang pagbibitiw sa mga matagal nang miyembro ng production staff ng Eat Bulaga.
Matapos pumutok ang isyu, nagkaroon ng panayam si Tito Sotto kung saan sinabi nitong walang dapat baguhin sa production group ng programa. Ayon sa talkshow host na si Boy Abunda, nakatakdang magsalita ngayong Abril ang management ng Tape Incorporated tungkol sa mga isyung kinakaharap ng Eat Bulaga.
Ayon sa source, si Romeo Jalosjos Jr. ang kasalukuyang chairman ng Tape Incorporated habang ang kanyang kapatid na si Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos ang treasurer ng production company.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!