Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa iba't ibang social media platform ang pag-amin nina James Reid at Yassi Pressman sa kanilang relasyon.
Matatandaan na ilang beses na ring namataan ang dalawa na magkasama at magkaholding hands pa.
Dahil dito hindi napigilan ng ilang mga netizen na isiping totoo ang naging isyu noon na si Issa ang dahilan ng hiwalayan nina James Reid at Nadine Lustre.
Matatandaan rin na bago pa man aminin noon ng dalawa ilang beses din namataan ng mga fans ang pagiging sweet nina Issa at James sa likod ni Nadine.
Nakadagdag pa sa intriga ang mga isiniwalat na pahayag ni Nadine sa isang interview patungkol sa tiwalang nasira na kailanman ay hindi na maibabalik pa.
"Paano niyo malalaman na yung tao na nakapaligid sa inyo, very trustworthy yan ang problem ko like hindi ko alam parang naatract ko yung maling tao," pahayag ni Nadine sa isang panayam.
Dagdag pa ng aktres, "Hindi naman ako madali magtiwala, pero yung experience ko is matagal ko na silang kilala tapos kinilala ko naman sila.
"Pero parang malalaman ko na nagbreak ng trust or may ginawa na hindi okay or behind my back meron palang mga ginagawa ano, parang five times na."
May mga netizen na naman na nagsabing bakit ngayon pa nagrereact si Nadine gayung matagal na naman silang hiwalay ni James Reid at may boyfriend na rin siya.
Agad naman pinagtanggol ng ilang mga fans si Nadine at sinabing hindi isyu ang matagal nang hiwalayan nila, kundi ang pagsira sa tiwala at ang pagdeny pa noon ni Issa sa relasyon niya kay James Reid.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!