Nagtitinda sa Quiapo, nadidistorbo sa taping ng “Batang Quiapo” ni Coco Martin

Biyernes, Marso 3, 2023

/ by Sparkle

 


May mga tindero umano sa Quiapo at Divisoria ang umaalis matapos lumiit ang kita mula nang magsimula ang taping ng Kapamilya action series na "Batang Quiapo."


Ito ang naging paksa ng showbiz columnist-talent manager na si Ogie Diaz at ng kanyang co-host na si Mama Loi sa kanilang YouTube program na "Ogie Diaz Showbiz Update" kamakailan.


Nakarating umano sa kanila ang reklamo ng mga nagbebenta sa Quiapo at Divisoria matapos mag-post sa social media ang isang tindera.




Ipinakita ni Ogie ang post ng tindera na si Abe Elaine Cañezo kung saan nanawagan siya sa bida at direktor ng seryeng si Coco Martin na huwag nang mag-taping araw-araw dahil nakakaapekto ito sa kanilang benta.


Aniya, “Dear FPJ, Batang Quiapo! Kung mag shooting kayo wag naman araw araw bumababa sales namin pag nanjan kayo eh haystttt coco hanggang kelan na naman kayo tong palabas mo.”


Tila nagulat si Ogie sa reklamo ng tindera dahil dapat daw tumaas ang kanilang benta dahil sa promosyon ng serye.




Ani Ogie, “Hindi ba dapat tumataas pa lalo yung sales. Hindi ba?”


Ayon kay Mama Loi, bumababa ang benta ng mga nagtitinda dahil imbes na bumili ay nanonood na lang ng taping ng serye.


Bukod dito, dahil sa ilang mga eksena, ang ilang mga kalye ay sinasabing hindi madaanan dahilan upang maiwasan ng mga customer ang ilang mga vendor.




Ani Mama Loi, “Nakakaapekto as in bumababa yung kanilang benta, tama? Dahil laging nandun yung shooting, dun ginaganap lagi. Ang ending nanonood na lamang yung mga tao or hindi pinadadaan yung mga tao kaya umiiwas na dun sa kanilang mga pwesto dahil nga pinagshu-shootingan.”


“Kasi nga di ba kapag nagshu-shooting may crowd control tapos halimbawa nakakasama kayo dun sa eksena, yung buong kahabaan ng kalye e di siyempre hindi nakakapunta yung mga parokyano paano nga naman makakabenta,” dagdag pa niya.


Samantala, nanawagan si Ogie sa ABS-CBN gayundin kay Coco at sa production team ng serye na agad na aksyonan ang problema para hindi maabala ang kabuhayan ng mga vendor sa Quiapo at Divisoria.




Ani Ogie, “Siguro pwedeng masolusyunan ito ng ABS-CBN o ng production para maging maayos naman at hindi makaapekto sa kanilang mga pang-araw-araw na kabuhayan itong shooting. Hindi nakakaistorbo o nakakaabala. Kasi nga naman kapag ganun hindi ka na mamimili, manonood ka na lang ng shooting, di ba? Kaya naku, Coco baka naman magawan ng paraan yan.”


Wala pang pahayag ang ABS-CBN at maging si Coco hinggil dito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo