Pastor Arestad0 Dahil Sa Panghihip0!

Miyerkules, Marso 29, 2023

/ by Lovely


 Isang religious lider ang isinailalim sa kustodiya ng mga awtoridad matapos siyang makatanggap ng mga reklamo mula sa ilan sa kanyang mga umano'y biktima.


Noong Marso 27, nahuli ng mga miyembro ng CIDG si Pastor Romeo Nuñez II na namuno sa Jesus Christ The River of Life Church inirereklamo ang Pastor sa panghihipo.


Ayon sa mga nagrereklamo, hindi nararapat na hinawakan sila ni Nunez, residente ng Puerto Princesa City.


Mabilis nilang ipinaalam sa mga awtoridad ang insidente. Ang Pastor ngayon ay nahaharap sa mga kaso ng Act of Lasciviousness.


Pinayagan ng korte ang pastor na makuha ang kanyang pansamantalang kalayaan sa pamamagitan ng pagpiyansa na nagkakahalaga ng P36,000.


Matatandaan na tumakbo sa pagka-Mayor ang Pastor na si Romeo Nuñez II sa Puerto Prinsesa, City. Subalit hindi siya naloklok sa pwisto.


Samantala, marami naman sa kanyang mga tagasunod ang hindi naniniwala sa paratang sa kanya.


“Hindi natin alam ang buong istorya kung anong totoo. Huwag tayong manghusga kung di pa napapatunayan.”


“Kung sino wala kasalanan sa Inyo batuhin niyo po siya..remember po individual tayong hahatulan kaya wagmo hatulan ang sinuman kung ayaw mong ang mismong panghatol mo ang gamitin panghatol sayo. We know nothing only God knows.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo