Naging mainit na usapin sa social media ang isang Tiktok video na ibinahagi ng isang netizen kung saan may pinaghihinalaang nagnakaw ang isang Puregold staff na pinaharang nito sa security.
Makikita sa nasabing video na isa-isang nilabas ng may edad nang lalaki ang laman ng kanyang bag upang patunayan na wala siyang ninakaw.
Ipinahayag din nito ang kanyang pagkadismaya sa dalawang Puregold staff dahil hinintay pa siyang makalabas bago sinita gayung pwede naman umano itong gawin ng dalawa habang nasa loob pa siya ng store.
Mas marami na kasi ang nakakakita at nahihiya umano ang lalaki.
"Pinagbintangan ako ng Puregold Muntinlupa na may nilagay daw ako sa bag ko at kahit di totoo ayaw akong pauwiin kung di lalabas lahat ang nasa bag."
Ayon pa sa lalaki, bumili siya ng deodorant at binuksan lamang niya ang kanyang bag para kunin ang isang deodorant niya na wala nang laman.
Dagdag pa nito na magpapa-blotter siya upang malinis ang kanyang pangalan at para na rin sa kanyang dignidad.
Samantala, nagbigay na ng pahayag ang pamunuan ng Puregold sa nasabing viral video.
"Mga ka-Puregold, we saw and we heard it all. Sorry. We really feel bad para kay Tatay and how the situation was handled. This puts the pain in striving to be panalo.
Please know that this incident is being dealt with privately, with kindness and patience. We ask that you allow us to learn from this and improve."
Kung ako kay Tatay, I will give the lady in Polo shirt 2 options kung mapatunayang wala akong ninakaw;
— Raffee 🗯 (@whuaffee) March 14, 2023
1. You will resign
2. I will sue you
pic.twitter.com/V92zZyiccH
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!