Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang pahayag na binitiwan ng CEO ng Careless na si Jeffrey Oh.
Ayon kay Jeffrey, nakatanggap umano ng invitation ang aktres na mag-audition sa charcter ni Mary Jane sa pelikulang Spiderman ng Marvel.
Subalit, hindi nakapunta ang aktres dahil nakatali pa ito sa ABS-CBN at may ginagawang teleserye noong panahong iyon.
“They reached out to her to audition (for the role of) Mary Jane, one of the most iconic characters. And she was not allowed because she had to do the same thing she was always doing,” pahayag ni Jeffrey Oh sa 2nd Philippine Creative Industries Summit.
“Imagine a Filipina actress was (the star in) one of the biggest Marvel movies in history. Imagine she was Mary Jane, what that would do for Philippine entertainment.”
“She could’ve been representing our country all over the world. There are other stars in the same situation,” dagdag pa niya.
Tila pinapalabas nito na kaya hindi nakapag-audition si Liza sa papel ni MJ ay dahil pinipigilan ito ng ABS-CBN dahil base sa naging pagsisiwalat ni Liza ay hindi man lamang umano siya pinapakinggan ng dating network at management.
Kalaunan nakuha ni Zendaya isang American actress-singer ang role sa nasabing movie.
Subalit napansin ng ilang netizens ang pagkakamali ni Jeffrey Oh dahil wala naman umanong 'Mary Jane' sa Spiderman movie na ito ng Marvel dahil 'Michelle Jones' ang papel na ginampanan ni Zendaya.
Careless CEO Jeffrey Oh claims their talent Liza Soberano was offered to audition for the role of MJ in Spider-Man: Homecoming. Oh, however, mistakenly referred to the character as Mary Jane and not Michelle Jones, a role that eventually went to Zendaya. pic.twitter.com/ffJ9DUWX6M
— Jerald Uy (@jeralduy) March 8, 2023
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!