Nilinaw na ng actress-singer na si Sharon Cuneta na hindi pa rin siya lumulundag sa kabilang bakod sa gitna ng kontrobersiyang magiging host siya ng longest running noontime show na Eat Bulaga.
Ayon kay Sharon sa exclusive tsikahan nila ni Jun Lalin sa “Anything Goes”, hindi raw siya aalis ng Kapamilya Network subalit hangga’t wala pa raw siyang project mula sa ABS-CBN ay open siyang magkipagtrabaho sa ibang network.
“Mahal na mahal ko kaya ‘yung Kapamilya ko… Kapamilya ako. So, parang habang wala, kung may dumating na iba huwag lang magugulat na kung tanggapin ko muna,” paglilinaw ni Sharon.
Matatandaan na matapos ang 35 years sa pagiging Kapamilya, inilahad ni Sharon Cuneta sa isang Instagram post na isa na lamang siyang free agent.
Handa na muna umano siyang makipagtrabaho sa ibang network habang wala pa siyang proyekto mula sa ABS-CBN.
“While I will always be there when they need me and will always be grateful, I guess it is understandable that I for now consider myself a free agent.
“It’s time I opened myself up to other stations that may need my services, while always keeping my Kapamilya ‘duties’ if and when they come,” pahayag noon ni Sharon.
Narito ang buong panayam kay Sharon Cuneta.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!