Suzette Doctolero, Inamin Na May Mild Autism Siya Noon!

Biyernes, Marso 24, 2023

/ by Lovely


 Sa guesting ni Suzette Doctolero sa Just In, inamin niyang siya ay na-diagnose ng autism pati na rin ang kanyang adopted son.


Ibinahagi ni Suzette kay Just In host Paolo Contis kung paano niya nalaman na siya ay may autism at ano ang mga napansin niya na pagkakapareho nila ng anak.


Naunang inamin ni Suzette na adopted niya ang kanyang anak na 16 years old na.


 "Siya ay 16 years old now. Ang pagiging mother ay hindi by birth, siya ay aking adopted son. Siya ay may autism. In a way, ako ay may mild autism din, so naka-relate ako," saad ni Suzette.


Dagdag pa ni Suzette na kunti lamang ang nakakaalam noon na may autism siya kaya hindi maintindihan ng iba ang kanyang mga ginagawa.


"At that time 'yung sa akin, noong bata ako wala pa 'yung mga autism-autism, wala 'yan. Malikot lang, makulit lang, o kaya slow ka lang so hindi nila nada-diagnose.


 'Yun 'yung isa sa reason din kung bakit tinapon ako sa Calabanga because hindi ako nagpa-participate sa classroom. So ipinapatawag nang ipinapatawag 'yung parents ko."


Pagpapaliwanag pa ni Suzette, "'Yung parents ko naman dahil hindi naman talaga sila nakapag-aral so hindi rin nila naiintindihan. Imagine mo seven years old, nagka-cut ako ng klase, hindi ako pumapasok. Akala nila suwail lang ako. 


Pero hindi ako nakaka-relate kasi. Pero hindi naman ako nagbubulakbol, nasa library ako, nagbabasa ako. Hindi ko nasasakyan 'yung itinuturo sa akin pero 'yung mga libro sa library doon ako nabubuhay."


Kaya naman, nang mapansin umano niya ang pagkakaparehas sa kanyang anak agad niyang pinakonsulta sa doctor ang bata.


Napag-alaman na kung anong klaseng autism siya ay ganoon din ang anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo