Trending Ang Video Ng Senior Citizen Na Napagbintangan Na Nagnakaw Sa Puregold/viral Video Puregold

Miyerkules, Marso 15, 2023

/ by Sparkle

 


Nag-viral ang video ng isang netizen kung saan inakusahan siyang nagnakaw sa isang sangay ng Puregold. Ang laman ng bag niya, pinalabas. Mga netizens, galit.


Hindi napigilan ng maraming netizens na magalit sa isang branch ng Puregold matapos akusahan ang isang customer na senior citizen na bumili sa kanilang grocery store.


Inilabas pa ang lahat ng laman ng kanyang bag dahil pinaghihinalaan siyang nagnakaw. Ibinahagi ito sa social media ni marcofny, ang video na makikitang pinahiya siya ng Puregold.


@marcofny Dapat baguhin na nang #Puregold ♬ Sad Emotional - Fabio Natale


Makikita sa video na inutusan ng isang security guard at isang babaeng empleyado ang senior citizen na ilabas ang lahat ng laman ng kanyang bag sa harap nila.


Nagalit ang customer nang binuksan ng Puregold ang bag nito sa harap ng maraming tao. Isa pang pahayag mula sa naturang customer, "Napagbintangan ako na may ninakaw. Wala naman akong ninakaw."


Dagdag pa nito sa kanyang post ay "I may not leave you millions but a good name is worth more than money sabi ng lolo ko na si Amb. Felino Neri Sr. Kaya ito ang laging nasa isipan ko. 🙏"


@marcofny

Pinagbintangan ako ng Puregold Muntinlupa na may nilagay daw ako sa bag ko at kahit di totoo ayaw akong pauwiin kung di lalabas lahat ang nasa bag 😢

♬ original sound - quarantinemanlocdowngirl


Narito ang mga komento ng mga netizens:


"Kawawa naman si Sir. Napahiya, ay naku po!"


Saad pa ng isang netizen, "Tulungang mabigyan ng leksyon ang mga ganyang tagabantay."


Pahayag pa ng isang netizen, "As in ipapakalkal nila yon. Wala silang pakialam kahit sobrang daming tao."


@marcofny

I may not leave you millions but a good name is worth more than money sabi ng lolo ko na si Amb.Felino Neri Sr.Kaya ito ang laging nasa isipan ko. 🙏

♬ original sound - quarantinemanlocdowngirl


Saad pa ng isa, "Sorry is not enough para sa maling bintang. Pwede mo sya idemanda sa ginawa niya sayo Sir."


Pahayag pa ng isang netizen, "Idemanda niyo po ang Puregold, specific yung branch na yan. And ask for the morale damages they have done. No sorry sorry."

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo