Vice Ganda Sinita, Pinagsabihan Ng 2 Psychologist Sa Pag-Iyak Ni ‘Kulot’ Sa Showtime!

Huwebes, Marso 30, 2023

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng ilang mga manonood at mga psychologists ang ginawang panayam ni Vice Ganda sa isang minor sa segment ng “It’s Showtime” na “Isip Bata.”


Naging usap-usapan online ang pagluha ni “Kulot” habang kinakausap ng TV host-comedian sa nasabing episode It's Showtime.


Bagama't wala namang masamang intensyon si Vice Ganda sa pag-uusap nila ni Kulot at makikita pa ngang pilit nilang pinapagaan ang emosyon ng bata.


Subalit, tila iba ang pananaw ng dalawang Psychologists na nakapanood sa nasabing episode.


Matatandaan na hindi man sinaya ay napag-usapan sa segment ng “Isip Bata” ang umano’y pangangaliwa at pagtataksil ng ama ni Kulot sa kanyang ina.


Sa isang bahagi ng segment, hiniling ni Vice na sabihin ng bata na mahal nito ang tatay niya pero tumanggi si Kulot.


“Minsan sasabihin mo, masarap ‘yun sa damdamin kapag nasasabi mo sa Itay na mahal mo siya. Gusto mo bang sabihin sa Itay ‘yon?" saad ni Vice Ganda kay Kulot, na tinanggihan naman ng bata habang tumutulo ang luha.


Ungot naman ng ilang mga manonood na hindi tamang pilitin ang mga bata sa bagay na ayaw nila lalo na sa National TV.


“I have been seeing video clips of a child crying on national TV because you were openly discussing family conflict in your show. While the intention was good, I think doing this has serious repercussions on the child’s mental health and well-being,” pagpapaliwanag ng psychologist.


Nagbigay din siya ng mensahe para kay Vice Ganda, “You should also not force a child to say I love you to a family member especially if she has expressed that she’s not comfortable doing it."


“Please consult a child psychologist so you are aware of the consequences of your actions when you are working with children.”


Samantala sa isang Facebook post ipinahayag naman ng isa pang psychologist ang kanyang reaksyon sa nasabing episode.


“Hindi requirement na hikayatin siyang magsabi o mag-express ng love sa tatay niyang pakiramdam niya nagcause ng pain niya. Nauunawaan kong intensyon lang ni Vice ay mabuti sa bata.


“Although, tandaan natin na ayos lang din naman sa ‘on-air i-demonstrate ang makatotohanan na pagkilala ng totoong nararamdaman. Hindi kailangan na ‘good vibes’ o mag-end up na resolved ang nararamdaman ng isang tao para sa show."


“Vice should have just let it go instead of attempting an emotional scene where the child will say she loves her father."


“Don’t get me wrong, there are times that Vice gave good advice in dealing with life and its troubles, but Vice isn’t perfect and in those times Vice should be criticized,” post nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo