Viral Proposal Sa Harry Styles Concert Isang Malaking Scripted!

Martes, Marso 21, 2023

/ by Lovely


 Naging mas memorable ang pagtatanghal ni Harry Styles noong nakaraang concert nito sa bansa dahil puno sila ng mga sorpresa. Nangyari ito nang tulungan niya ang isang couple na ma-engage habang nasa kanyang "Love on Tour" leg sa Maynila.


Ngunit nang malaman ng kapwa Harries (mga tagahanga ng Harry Styles) na peke ang concert proposal, ang una ay isang magandang okasyon ay nauwi sa pambabatikos.


Matatandaang noong March 14 sa Philippine Arena, nagtanghal ang tatlong beses na Grammy Award-winning na musician na si Harry Styles para sa kanyang mga tagahangang Pilipino.


Napansin ni Styles sa isang partikular na signage mula sa isang audience na, na kalaunan ay nakilala bilang si Michelle, na nagsasabing, “Harry, my [boyfriend] said he will propose if you duet with him!!! Make it happen [please].”


Matapos makita ang placard, lumiwanag ang mukha ni Harry at pumayag siya sa kahilingan ni Michelle at ng kanyang partner na si Jeff, kung saan kinanta ng huli ang "Sign of Times" kasama si Styles. 


Lumuhod si Jeff sa gitna ng isang kanta matapos siyang sunduin ng mang-aawit.


Agad namang sinagot ni Michelle ng Yes si Jeff kahit walang engagement ring.


Maging ang chorus ng kanta ay binago rin ni Harry Styles upang tumugma sa moment ng couple, “Just stop your crying, it’s a sign of the times because Michelle is marrying Jeff.”


Marami ang napasana-all sa nasabing proposal ng couple at sa pagkakataong mapansin at makaduet pa si Harry Styles.


Subalit, nag-iba ang pananaw ng mga fans nang malaman ilang araw ang makalipas na isa lamang palang scripted ang nangyaring proposal.


Sa isang deleted post na ngayon, ibinahagi ng isang fan ang nasabing signage kalakip ang caption na, “At nagulantang po ‘yung kasama ko dahil wala siyang ka id-idea."


Nang makita ng ibang Harries ang post, napagtanto nilang ang engagement nina Michelle at Jeff ay isang malaking fake news. Agad na nagreact ang mga  Harries at binabash ngayon ang nagpakilalang couple.


Ipinunto nila ang mga oras na nasayang dahil lamang sa pagpapapansin ng dalawa.



@danirelle Manila could’ve had Medicine instead !! #LoveOnTourManila #hslot2023 #fyp #foryou #hslotmanila #harrystyles #hslotmanilaoutfit ♬ WHY ARE PPL USING THIS SOUND - John Phillips

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo