Dismayado ang magkasintahang Whamos Cruz at Antonette Gail matapos na maloko ng isang online shop ng kanilang pinagbilhan ng sana'y magagamit na crib ng kanilang anak na si baby Meteor.
Ang kanila sanang excitement para sa bagong gamit ni baby Meteor ay napalitan ng pagkadismaya dahil sa maling item ang dumating sa kanila.
Pagbukas daw kase nila sa dumating na parcel ay isang frying fan na may kasamang spatula ang tumambad sa kanila.
Kaya naman hindi na napigilan ng sikat na vlogger na si Whamos Cruz na ibahagi ito sa kanilang mga followers at mga taga supporta.
Ang pagbabahagi ng vlogger ay hindi lang sa kanilang sama ng loob kundi para maging babala din ito sa iba na bumibili sa mga online shop.
Saad niya, "Sa lahat ng mga nanonood diyan, eto panoorin niyo kung anu yung ginawa sa amin ngayon, diba na scam kami."
"Paano pa kung sa iba pa yan edi mas lalo pang nanggagalaiti yana mga yan."
"Siyempre kaya namin vinideohan to para maging alert ang mga umo-order diyan na marami talagang mga scammer."
Naging hinaing din ng magkasintahan na Whamos at Antonette na maliban din daw sa maling item ang kanilang natanggap ay hindi rin daw iyon aabot sa presyo ng kanilang binayaran.
Sabi pa ng Vlogger na hindi daw nila mawari kung sino ang may kasalanan sa pangyayaring ito kaya naman pinahuhusgahan niya na lamang ito sa kanyang mga followers.
Pahayag niya, "Hindi natin alam kung pinapalitan ba ng rider o hindi naman din natin alam kung yung seller ba talaga yong scammer na ganito talaga ang ipinapadala nila sa order, wala tayong idea."
Matapos nito ay hindi rin napigilan ni Whamos na magbigay ng suwestyon lalo na sa delivery company na naghatid ng kanilang order.
Payo ng vlogger sa mga ito, "Sa susunod mga pars lalo na sa J&T shoutout sa inyo ibahin niyo na ang michanics niyo."
"Dapat i open muna ang mga item namin bago namin bayaran asa inyo o sa lahat po ng nagdedeliver diyan, pangit kase yung nangyayari hindi kayo yung na-i-scam, kundi kaming mga bumibili."
"Sana open muna pagtama ang item babayaran namin pagmali balik nyo sa seller, kasi wala naman kaming kasalanan dito eh."
"Hindi naman namin kasalanan na ganito yung dumating sa amin, tama naman yung order namin."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!