Nagbigay ng saloobin ang beteranong aktor na si Albert Martinez tungkol sa labis na paglaganap ngayon ng iba't-ibang social media platform.
Ayon kay Albert Martinez, labis na binago ng mga social media platforms ang mundo lalo na ang mundo ng showbiz.
Ipinahayag din niya ang kanyang pag-alma sa mga taong ibinabahagi na ang buo nilang buhay sa social media. Maging ang kanilang mga iniisip ay ibinabahagi na rin.
“Some use the social media platform as their sounding board which I believe shouldn’t be because you want the whole to know what’s going on with your life, about your thinking?”
Pagpupunto pa ng aktor na dapat nililimitahan ang mga detalyeng ibinabahagi online. Hindi umano nararapat na gamitin ang social media sa pagpapahayag ng galit at disgusto sa ibang tao.
“Kanya-kanyang opinion ‘yan. Maybe that’s their way of releasing hot air or something but for me, personally, I don’t want to say I’m against but it’s my opinion.
“Siguro hindi na dapat ‘yung mga angst ninyo with your family, with your neighbors ay ilalagay mo sa social media. But I know a lot of people who does that.”
Isa pa sa pinuna ni Albert ay ang mga babaeng nagpapakita ng kanilang katawan online at nagbibikini kahit wala naman ang mga ito sa beach.
“Isa pang hindi ko masyadong gusto with social media is that I see more women posing in two-piece bikinis even if it’s not summer, even wala sa beach. I have daughters and I feel not comfortable with it.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!