Viral ngayon sa social media ang pag-amin ng actress na si Bea Alonzo, patungkol sa mga rason, kung bakit siya ay mabilis tumaba.
Sa kanyang vlog nitong April 22, 2023 ay ibinahagi niya, ang ilang kuwento sa likod ng mga larawan niya sa Instagram.
Isa na nga daw dito ang larawan na kuha noong naglalaro siya ng Tennis na makikitang kasama niya sa paglalaro ang boyfriend na si Dominic.
Dito nga ay sinabi ni Bea na gusto pa raw niya sanang makapaglaro ulit ng Tennis.
Subalit aminado naman siya na hirap siya sa mga sports, dahil sa mabilis na pagdagdag ng kanyang timbang ngayon.
Paliwanag ng actress na, maliban daw ksi sa kanyang (PCOS) Polycystic Ovary Syndrome, ay na diagnose din daw umano siya kamakailan ng Hypothyroidism na siyang dahilan ng kanyang mabilis na pagtaba.
Pag-amin ni Bea sa kanyang vlog, "Aside from having PCOS I recently was diagnosed with hypothyroidism, so that's the reason behind my gaining weight."
"And I'm trying to address it now, by working out, by dieting and taking meds for it and supplements. So wish me luck, sana matapos na siya."
Kaya naman sa mga nagtataka kung bakit ang taba-taba na ni Bea, iyun na nga ang rason.
Ang hypothyroidism ay kapag ang thyroid gland ay hindi gumagawa ng sapat na thyroid hormones. Ang hindi aktibo na thyroid gland ay maaaring humantong sa pagtaas ng timbang, pagkapagod, at pakiramdam nito malamig na palagi.
Gayun paman ay ipinagtanggol, naman siya ng kanyang mga fans at sinabi ng mga ito na hindi na kailangan pang humingi ng tawad ni Bea sa mga netizens, dahil lamang sa kanyang pagtaba.
Nagbigay din ng payo ang mga tagahanga ni Bea para sa kanya tungkol sa kanyang kalagayan ngayon.
Dahil sa hindi daw talaga biro ang magkaroon ng ganitong karamdaman, lalo na at nakakaapekto ito sa panlabas na hisura ng tao lalo na kapag napabayaan.
Komento ng ilang mga tagahanga ni Bea, "bakit kaylangan magpaseensya kung tumaba ka, di mo naman mapipigil yun."
"Gumagaling naman yan, medication lang kailangan dyan, si Carla Abelliana noon tumaba din, dahil sa kanyang hypothyroidism."
"It can be controlled but I tell you it will still exist. Gaining weights, brain fog, fatigue, hair loss and anxiety, that's hypothyroidism."
"I stop explaining when people asked. Ang dami ko bitbitin para paliwanagan, ang mga walang ambag sa buhay ko."
Matatandaang nagviral din nitong kamakailan ang actress at Tv host dahil sa parehong karamdaman.
Hinusgahan din ang kanyang mabilis na pagtaba dahil dito, ngunit tila mas nagiging bukas na ang mga tao sa ganitong klaseng sakit at mas inuunawa na ng karamihan ang mga taong dumaranas ng sakit na ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!