Binawi na ng aktres na si Christine Reyes ang kanyang naunang pahayag hinggil sa aktor na si Marco Gumabao sa interview noon sa kanya ni Boy Abunda.
Matatandaan na sinabi noon ni Christine Reyes sa isang interview na hindi niya jojowain si Marco Gumabao dahil napakabata pa umano nito para sa kanya.
Si Marco Gumabao kasi ay anim na taong mas bata kay Christine Reyes.
Samantala sa Instagram stories ipinahayag ni Christine Reyes na hindi na lamang totropahin si Marco Gumabao kundi jojowain na.
“Hindi na couga… ‘di ko na itutuloy (grinning-squinting face emoji).”
Samantala sa naging panayam noon namin kay Marco inilarawan niya ang relasyon nila ni Cristine.
“Kami siguro ni Cristine, kaya siguro nagki-click kami, kasi, outside of work, outside of the camera, we’re just two normal people.
“We enjoy going out, eating out. Going to public places, going to the mall. Hindi kami nagtatago yung nagma-mask at naka-shades sa mall.
“Kumbaga, if you will see us, then, people see us. Hindi kami nagtatago, and we’re not also… hindi naman namin binabalandra,” chika ni Marco.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!