Naghahanda na ngayon ang mga kapulisan ng kasong maisasampa sa grupo ng content creators na TuKoMi dahil sa isinagawa nilang prank noong nakaraang April 7.
Noong April 7, 2023, nag-viral si TuKoMi sa social media pagkatapos nilang gumawa ng isang prank sa pampublikong lugar.
Nagpapanggap sila na may na may kikidnapin, pinigilan sila ng isang pulis. Noong una'y inakala niyang totoong masasamang loob ang grupo.
Nakilala ang pulis na si Police Staff Sergeant Ronnie Conmigo na nakabase sa Las Pinas City.
Samantala sa isang panayam inamin ng Police Staff na naghahanda na sila ng kaso laban sa grupo upang magsilbing aral na rin sa iba pang social media influencers.
“Muntik ng magkaroon ng hindi magandang insidente out of this prank kaya gusto ko sanang manawagan sa pamamagitan nito ay mabigyan kami ng pagkakataon na masabi ang side dito.”
“Wala naman pong problema sa pagba-vlog, pero sana pag-aralan natin ‘yung content, suriin natin. Hindi pwede ‘yung mga ganito na it concerns the security of the community and the vlogger itself. We will filing a case against the vloggers," saad ng Pulis.
Nananawagan din sila na hindi dapat na pamarisan at dapat ding i-discourage ang mga kabataan sa paggawa ng ganitong mga vlog.
Naniniwala rin si Santos na may posibilidad na makulong ang Tukomi dahil sa kanilang ginawa lalo na’t may nagrereklamo.
Ang nagrereklamo ay walang iba kundi ang pumigil na Pulis, na nagpasyang magsampa ng mga kaso upang pigilan ang Tukomi sa paggawa ng mga ganitong gawain.
Samantala, hindi pa nagbibigay ng sagot ang grupong TuKoMi sa kasong maaaring haharapin nila.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!