Ibinahagi ng Kapuso King na si Dingding Dantes na muntik na siyang pumasok sa politika dahil sa pagmamahal niya sa Pilipinas.
“Sa tingin ko po ay lahat po ito nag-uugat sa pagmamahal natin sa Inang Bayan, at higit sa lahat pagmamahal sa kapwa. We recognize na iba-iba naman ang paraan natin ng pagpapakita nito.”
Dagdag pa ng aktor, “Ako, gusto ko po aminin na may panahon na I really thought na sana may opportunity for me to do more for the Filipino people over and beyond my work here in the industry.”
Gayunpaman, hindi niya naituloy ang kanyang plano dahil sa malalaking responsibilidad na kaakibat ng kanyang pagkakahalal, kung sakali.
“It’s because I have high regards for public office, especially kapag sinabing public office, ibig sabihin, ayun dapat ang topmost priority. With that recognition, alam ko na hindi siya ganun kadali. I recognize that it’s not that easy, it will require much of your time, energy, love, passion, and yourself."
Sa ngayon, ninanais ni Dingdong Dantes na bigyan ng mas maraming oras ang kanyang pamila, kasama sina Marian Rivera at dalawang mga anak.
Ninanais umano niyang maging best daddy sa kanyang mga anak at maging responsableng myembro ng industriya.
“I want to be the best father to my children, I want to be the best husband to Marian, be a good son, and responsible member of this beautiful industry, while striving to be a good citizen every day.”
Pagpupunto pa ni Dingdong Dantes na kahit walang posisyon sa gobyerno maari pa rin makatulong sa iba para sa ikauunlad ng buong bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!