Eat Bulaga, Nawawalan Daw Ng Mahigit 400 Million Pesos!

Miyerkules, Abril 26, 2023

/ by Lovely

Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang nagaganap na internal conflict sa Eat Bulaga, kung saan sinasabing marami ang tatanggaling staff o di kaya ay babawasan ang mga talent fees.


Kaya naman ibinahagi na ni Tito Sotto ang naging paliwanag sa kanila ng TAPE Inc. kung bakit binabalak nilang bawasan ang staff o di kaya ang kanilang talent fees.


Ayon kay Tito Sotto sa panayam niya kay Nelson Canlas, sinabi sa kanila ng TAPE na nalulugi na ang Eat Bulaga kaya naman kinakailangan nilang mag-alis ng mga empleyado upang maiwasan ang tuluyang pagkalugi ng programa.


Pinayuhan din umano sila ng TAPE na alisin ang ilang segment ng show dahil hindi naman ito nakakaaliw.


“Ang sabi sa ‘min, nalulugi raw. Kailangan daw, baguhin ang nagpapatakbo. At kailangan daw i-reinvent ang Eat Bulaga, at mayroon daw mga portion na bored sila.”


Ibinahagi rin ni Tito Sotto na may opisyal ng TAPE na may utang kina Vic Sotto at Joey De Leon ng tig-30 million pesos.


“Ang laki ng utang kay Vic at kay Joey. Mahigit tig-30 million pesos ang utang sa kanila, for 2022 alone.”


Samantala, hindi naniniwala si Tito Sotto na nalulugi ang Eat Bulaga. Mapapatunayan diumano ito ng mga dokyumento sa Securities and Exchange Commission (SEC).


Idinetalye pa ni Tito Sotto na mayroong 213 million peso net profit noong 2021 ang TAPE at dapat diumano’y mas malaki ang kitain nito para sa taong 2022 dahil sa panahon ito ng eleksyon.


Ibinunyag din ng television host na mayroong nawawalang P400-M sa Eat Bulaga na nakuha nila sa mga political ads noong nakaraang taon.


Hindi naman umano alam ni Tito Sotto kung nasaan na ngayon ang nawawalang pera at tanging ang TAPE lamang ang nakakaalam.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo