Hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ang self-proclaimed motivational speaker na Rendon Labador.
Trending pa rin online ang resto-bar nitong si Rendon kung saan doon lamang nabibili ang kanyang motivational rice sa halagang 100 pesos per serving.
Ilang mga netizens ang nagpahayag ng kanyang pagrereklamo sa napakamahal na serving ng rice ni Rendon subalit hindi pa rin nagpatinag si Rendon at nanindigan na tama lamang presyo ng rice dahil hindi ito basta-basta.
Dahil sa patuloy na pagti-trending ng motivational rice ni Rendon Labador hindi ito pinalampas ng mga artists. Kinuha nila ang attention ng nakakarami sa pamamagitan ng paglikha nila ng portrait ni Rendon Labador gamit ang mga rice husks.
Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Giovani Garinga, kasama ng anim pang mga artists na kasama sa pagbuo ng portrait ni Rendon Labador. Tinawag nila ang kanilang obra na ‘rice art of motivated rice artists’.
Hinamon pa nila si Rendon Labador na bilhin ang kanilang likha sa halagang 100,000 pesos.
“When the motivational rice of sir Rendon went viral, that gave us the idea who our next subject would be. Also we priced the artwork double its original price like how he priced his motivational rice a whopping P100. We got the message of his rice so hopefully he gets the message of our rice art,” pahayag ni Giovani.
Pagpapaliwanag pa ng artist, “Sabi po niya kasi kaya daw P100 ‘yung rice niya ay para ma-motivate ang mga Pinoy na taasan (ang) standard. So ‘yung artwork namin double the original price. We’ll see kung bibilhin po ba niya ‘yung artwork with that price.”
Samantala, ayon sa ilang mga nagkomento sa post na tiyak bibilhin ni Rendon ang nasabing artwork dahil hindi maitatanggi na maganda ang pagkakagawa nito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!