Sinagot na ng businessman na si Joel Cruz ang tanong ng ilang netizens na curious kung pinag-iisipan nga ba niyang pakasalan ang surrogate mother ng kanyang walong anak.
Nagkaroon ng walong anak si Joel Cruz sa pamamagitan ng surrogacy. Ang naging surrogate motheray isang Russian national na si Lilia. Bukod sa angking ganda ni Lilia mayroon din siyang mataas na IQ level.
Samantala, marami sa mga netizens ang napapatanong kung napag-iisipan ba ni Joel Cruz na pakasalan ang naging surrogate mother ng kanyang mga anak dahil nagkikita naman sila ng ilang beses.
Agad namang nilinaw ni Joel Cruz na isang hayagang myembro ng LGBTQA+ community na kailanman ay hindi niya naiisip na pakasalan si Lilia.
“I have no plan to marry the mother of my children because it was a program called InVitro Fertilization or Surrogacy wherein the biological mother offered her services to donate egg cells and carried my first set of twin.”
Dagdag pa ni Joel Cruz, kasalukuyang happily married na si Lilia at may 11 year old na ring anak.
“The mother is married with [an] 11-year-old daughter. The fact that I am gay, happy, single father is enough already, and I don’t need to marry her at all! She has a very happy family and life to enjoy!”
Nauna nang naiulat na gumastos si Joel Cruz ng mahigit 52 million sa kanyang walong anak na inaalagaan pa ng kani-kanilang mga nannies.
Ang kanyang multi-million business ay masasabing pinakamalaki sa mass market.
Ayon kay Joel Cruz na ang mga fragrance oil na-imported mula sa Germany ang siyang pinakamahal na ingredients dahil nagtatagal ang mga ito ng average na walong oras.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!