Hinirang bilang Best Actress in Supporting Role ang transwoman na si KaladKaren sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival 2023 sa kanyang magaling na pagganap sa pelikulang Here Comes The Groom.
Si KaladKaren din ang kauna-unahang transwoman na nanalo at nag-uwi ng parangal sa mundo ng pelikula sa bansa.
Naganap ang Summer Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal nitong April 11, 2023 sa New Frontier Theater sa Quezon City.
“Itong parangal na ito ay hindi lamang recognition ng aking trabaho, kung hindi pati na rin ng aking pagkatao. Thank you for hiring a transgender actress to play a transgender character. Thank you for being truthful," pahayag ni KaladKaren sa Summer MMFF Gabi ng Parangal.
Kasunod nito nagbigay din siya ng payo sa mga batang beki. Ani KaladKaren hindi dapat ikatakot ang pagpapakita ng totoong pagkatao.
“Thank you also sa lahat ng mga batang nangangarap, mga LGBTQIA+ na kids. Mga batang beki. Huwag kayong matakot maging kayo. At huwag kayong matakot mangarap. Because one day hindi niyo alam, kayo rin ang nandirito.”
@mjfelipe28 History was made! Congrats Kaladkaren! The first trans woman to win an acting award at the MMFF! #kaladkaren #jervili #mmff #mmff2023 #summermmff2023 #herecomesthegroom #hctg #tiktokph #fyp #fypage @Kaladkaren Davila ♬ original sound - MJ Felipe
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!