Pinatunayan ni Ken Chan ang kanyang galing sa pag-arte sa kanyang natatanging pagganap sa teleseryeng My Special Tatay.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, nabigyan siya ng mga bagong oportunidad na nagpalakas ng kanyang career sa showbiz. Isa sa kanyang recent projects ay ang pelikulang Papa Mascot sa direksyon ni Louie Ignacio.
Si Direk Ignacio ay kilala bilang isang magaling na direktor sa Pinoy movie streaming platform na VivaMax kaya naman natanong kay Ken Chan kung handa ba siyang gumawa ng movie para sa VivaMax.
Ang Vivamax ay kilala sa pagpapakita ng mga pelikulang may rating na SPG o hindi advisable para sa mga bata.
"Direk, bigyan mo lang ako nang mga tatlong buwan,” pahayag ni Ken.
Dagdag pa ng aktor na wala namang masama sakaling gumawa siya ng ganoong movie dahil nasa tamang edad na siya.
“Promise, ibibigay ko sa yo! Ako… why not? Ready naman po ako sa mga ganun.”
Gusto na rin umano niya ng diversity sa kanyang trabaho dahil mga pabebe ang mga naunang relasyon at nais niyang may masubukang bago sa kanyang showbiz career.
“Sana, makagawa rin ako nun. And gusto ko, pag gumawa ako nun, ang maging direktor ko po talaga, si Direk Louie Ignacio.”
Naitanong din kay Ken kung sakaling handa ba siya makita ang kanyang behind sa pelikula lalo na sa mga intimate scenes.
“Why not? Bakit hindi, di ba, Direk? Di ba? Kung magiging mas makatotohanan yung eksena para maipakita mo yung dapat ipakita, puwede na!”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!