Ibinahagi ng aktres na si Liza Soberano ang kanyang naramdamang sa tuwing tinatawag siya in public bilang si Hope Soberano.
Matatandaan na kamakailan lamang ay naglabas ng isang vlog si Liza Soberano kung saan ipinahayag niyang nais niyang tawagin bilang si Hope Soberano.
Umani pa ito ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na hindi rin nagustuhan ang pag rebrand ng aktres.
Samantala, sa kamakailang panayam kay Liza Soberano paras sa isang magazing, isiniwalat niyang nagugulat umano siya sa tuwing may tumatawag sa kanyang bilang Hope Soberano in public.
May mga tumatawag na kasi umano sa kanyang Hope sa ilang mga concerts at public events.
Ipinunto ni Liza na gusto niya ang pangalang Hope pero mas nais niyang matawag pa ring Liza Soberano.
"It's actually very surprising to me because now, when I go out, people call me Hope. I've been to concerts and stuff and people would scream ‘Hope! Hope!’ I love my name and everything, but now I was like, 'Oh my god, I was so misunderstood,'" pahayag ni Liza Soberano.
Muli, ipinunto ni Liza na nais niyang makilala at sumikat bilang si Liza Soberano at hindi bilang si Hope Soberano.
"Like, this is not what I want. I still want to be known as Liza."
Matatandaan na umano ng pambabatikos ang aktres na si Liza Soberano matapos niya ibahagi ang kanyang vlog na nagbibigay dahilan sa kung bakit iniwan ni Liza ang dating management at network.
Lumalabas kasing tila hindi naging grateful si Liza Soberano sa lahat ng mga nagawa ng network at dating management. Nilinaw naman ng aktres na na misunderstood lamang ng karamihan ang kanyang vlog at ipinuntong malaki ang kanyang pasasalamat sa ABS-CBN at dating management.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!