Inamin ng singer na si Mark Bautista na nilayuan siya ng ilang mga kaibigan nang isiniwalat niya ang kanyang totoong pagkatao.
“Meron naman sa showbiz na naging distant dahil feeling nila I was just doing it for publicity, so medyo doon ko nakilala ang pagkatao. Mas na-shock ako sa mga taong hindi ko in-expect na magsu-support sa akin. Mas yun ang pinanghahawakan ko,” aniya.
Ipinahayag din ni Mark na kahit isa siyang myembro ng LGBTQ community handa pa rin siyang tumanggap ng role ng lalaki.
Subalit maging ang mga work offer sa kanya ay nagbago na rin dala ng kanyang pag-amin.
“Nagkaroon na ng limitation yung ibinibigay na offers, o nai-stereotype na yung roles na puwedeng ibigay sa akin. Gusto ko pa ring gawin na parang, like normal na role, or like yung straight na role.
"So, after nung mag-book ako, marami ring nag-offer sa akin na movies na gagawin, but puro BL (Boys Love)," saad ni Mark.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!