Tila totoo ngang bumubuti na ang kalagayan ngayon ng Queen of All Media dahil nakakapag-shopping na ito.
Sa isang Instagram stories, ipinasilip ni Batangas Vice Governor Marl Leviste ang pagsho-shopping nila kasama si Kris Aquino sa California.
Samantala, sa isang punto ng kanyang post ay ibinida pa niya ang kanyang regalo para rito.
Matatandaan na nauna nang ipinahayag ng anak ni Kris Aquino na si Bimby na bumubuti na ang kalagayan ngayon ng kanyang ina.
Tumataas na rin umano ang timbang nito at very stable. Sa pagbabahaging ito ni Vice Governor tila pinapatunayan lamang nito ang naunang pahayag ni Bimby Aquino.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!