Nagsalita na ang Chief Finance Officer ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos sa mga isyung bumabalot sa rebranding at reformating ng longest running show na Eat Bulaga.
Kinumpirma rin ni Mayor Bullet Jalosjos ang pananatili ng iconic trio na TVJ, Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon sa show.
Sa naging guesting ni Mayor Bullet Jalosjos sa programang Fast Talk with Boy Abunda, nalinawan na ang ilang mga netizens at nabigyan ng linaw ang ilang katanungan ng mga ito.
"Are you assuring that TVJ will stay?" tanong ni Boy kay Mayor Bullet.
Agad naman itong sinagot ni Mayor Bullet ng, "Definitely."
Ipinahayag rin ni Mayor Bullet Jalosjos na pumayag ang mga executives ng TAPE Inc. sa panayam niya kay Boy Abunda upang mabigyan niya ng linaw ang lahat ng isyung bumabalot sa Eat Bulaga matapos ang 44 years.
"Matagal na rin naming gustong i-clear out. Ang totoo niyan, wala naman pong takeover. People have been retiring. Si Tony Tuviera starting March. And Tita Malou Fagar also, so it's just right na pumasok na rin po and maging active 'yung board of directors," direktang pahayag ni Bullet Jalosjos.
Dagdag pa ni Mayor na hindi rebranding ang nagaganap sa show kundi rebonding.
"But ang joke nga ni Joey mismo, it's not a rebranding, it's rebonding. Rebonding ng kompanya, rebonding ng mga kapamilya, I mean ng pamilya sa Eat Bulaga, rebonding ng executives. Rebonding din ng GMA," paglilinaw ni Mayor Bullet.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!