Sa wakas nagsalita na ang singer na si Morissette Amon laban sa mga pahayag ng ina ni Jake Zyrus na si Mommy Raquel Pempengco.
Matatandaan na kinumpara ni Raquel Pempenco ang performances nina Charice Pempengco na mas kilala na ngayon bilang si Jake Zyrus at Morissette Amon sa concerts ni David Foster.
Ayon kay Raquel Pempengco, nanatili at mananatili pa ring walang makakatumbas sa performances ng kanyang anak na si Charice Pempengco sa mga concerts ni David Foster.
Kilalang-kilala din umano niya ang taste ni David Foster pagdating sa kanyang mga singers.
“Alam ko ang mga timbre ng boses na hinahanap mo DF (David Foster).. Sinabi ko naman sa inyo noon pa… nag iisa lang ang boses na yan. Kahit kanino mo pa ipakanta yang song mo.. Di mabibigyan ng hustisya,” pahayag ni Raquel Pempengco.
Dagdag pa nito, “NO GOOSEBUMPS.. NO STANDING OVATION.. Nothing compares…. Nag iisang legendary ng Pilipinas si Charice Pempengco at para sa kaalaman ng lahat. Hindi po si DF ang nagpasikat sa kanya kundi si OPRAH. Nireject nga noon ni DF si Charice. Kaya wag umasa na may isasama pa… Masasaktan lang.”
Agad naman itong inalmahan ng ilang mga kolumnista at maging ni Jake Zyrus mismo dahil kahit na anong mangyari umano ay hindi maibabalik pa kailanman ang dating si Charice Pempengco.
Samantala, sa naging panayam kay Morissette, ipinahayag niyang wala lamang sa kanya ang naging pahayag ni Mommy Raquel, bagkus ninanais niyang makasama sa iisang stage si Jake Zyrus dahil isa siyang fan nito noon pa man.
“It would be my honor. I’m a fan kasi kaya parang, ‘Ohhh, pinapakinggan ko lang ito dati tapos eto magkasama na.'”
Ipinunto pa ni Morissette ang kontribusyon ni Charice o Jake sa industriya. Ayon kay Morissette natuklasan ng mga legendary musicians tulad ni David ang talento ng mga Pilipino sa pagkanta dahil kay Charice.
“I’m sure, that also prompted for David to come back to the Philippines because of working with Jake or Charice at that time, parang nakikita niya na ang dami pala na talagang magaling sa Pilipinas.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!