Naglabas ng saloobin ang isang Canadian producer at content creator na matagal nang sumusubaybay sa mga Pinay singer.
Ayon rito na iisa lamang ang nakikita niyang magmamana sa trono ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez, ito ay walang iba umano kundi si Morissette Amon.
Nagreact ang Canadian producer sa ilang Pinay divas na may hawak umano ng ilan sa pinakamahihirap na original Pinoy music (OPM) tracks, kung kakantahin ito nang live.
Ipinaliwanag pa nito sa latest episode ng vlog ni Ovela ng Music Game News o MGN, ang ilang mga techniques at mga requirements sa pagkanta ng maayos.
Kabilang na rito ang pagmaintain sa mga high notes paggamit ng ibang register ng boses, patalagan ng paghinga, komplikadong runs, at bukod sa iba pa.
“Tell me something. Can Regine do that? Can Katrina do that? I think the only one that maybe can do that is Jona. Jona may be able to whistle like that and I’m not even one hundred percent sure,” anang producer.
“And I say that she’s the successor, the rightful successor to Regine, to the throne, that throne that we all know that Regine has, right?” dagdag naman ni Ovela.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!