Isa sa mga pelikulang matagumpay na ginampanan ng Superstar na si Nora Aunor ay ang pelikulang Himala kung saan ginapampanan niya ang papel ni Elsa.
Kung saan nanalo ang pelikula ng iba't ibang award at naging unang Filipino film na napabilang sa Berlin International Film Festival.
Si Elsa ay ang babaeng nakakakita umano ng aparisyon ni Mama Mary at naging mangagamot sa pelikula.
Subalit sa huli ay inamin niyang gawa-gawa lamang niya ito at hindi rin umano siya nakakapagpagaling. Matapos ang rebelasyon, isang hindi kilalang tao ang bumaril kay Elsa at nagkaroon ng stampede.
Samantala, ibinahagi na ng National Artist na si Ricky Lee kung sino nga ba ang taong pumatay kay Elsa.
Sa isang TikTk video ibinahagi niyang ang pumatay kay Elsa ay isang tao na may ayaw rito.
"In the case doon sa last part, sinabi ng government official na hulihin ang kung sinumang magsasalita, laban sa gobyerno, laban sa akin, laban sa Diyos, hindi niya rin tanggap ang katotohanan," saad ni Lee.
"Kasabwat sa pumatay kay Elsa 'yung audience kasi 'yung kamay ng baril galing sa audience, hindi sa characters, galing sa audience. Tayong nanonood sa mga nakikita nating pagpatay at wala tayong ginagawa, kasabwat tayo," dagdag pa nito.
@culturalcenterph ELSA LOVES YOU! But who REALLY killed Elsa in ‘Himala’? Watch these highlights from yesterday’s launching of CCP Cine Icons to find out! 🤐 Watch out for our next screenings and don’t forget to follow us on TikTok! https://tiktok.com/@culturalcenterph 🎥 #CulturalCenterofthePhilippines #CulturalCenterPH #CCPCineIcons #NoraAunor #Himala #RickyLee #MarilouDiazAbaya #IshmaelBernal ♬ I Can Feel It (Christmas Instrumental) - Nick Sena and Danny Echevarria
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!