Nagsalita na ang dating Senador at beteranong Tv host na si Tito Sotto, tungkol sa mga nagsilabasang kontrobersyal na issue, ng longest running noontime show na Eat Bulaga.
Naglabas ng saloobin ang dating Senador sa mga naging pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos, na siyang chief financing officer ng TAPE Incorporated, sa Fast Talk With Boy Abunda.
Hindi na gustohan ni Tito Sotto ang sagot ni Mayor Bullet sa tanong na kung mananatili ba ang binansagang Iconic Trio ng show, sa Eat Bulaga sa gitna ng sinasabing rebranding ng nasabing programa.
Pahayag ni Tito Sen, sa panayam ni Nelson Canlas, "I am disappointed at the very least, I am disappointed at what is happening. Kasi may mga nababasa ako na sulat sa ganito, eka nga nakakahirap ng damdamin namin."
Sa naging panayam kasi ni Boy Abunda kay Mayor Bullet Jalosjos ay nilinaw nito na walang matatanggal, sa mga host ng Eat Bulaga at hindi totoo ang balitang, magkakaroon ng malawakang pagbabago sa programa.
Rebelasyon naman ni Tito Sotto ukol dito ay sabi niya, "They were asking everyone to resign, specially yong mga maliliit ang income, pinagreresign at irerehire naman daw."
Pagsisiwalat pa niya, "Sabi ko what is the garanted at they will be rehired, sa oras na magretired sila. Eh kasi daw para maisaayos ang budget, masmababa ang sweldo."
Dagdag pa niya, "What do you expect us to feel, how do you expect us to feel."
"Masagwang pakinggan sa amin yung mareretain kami, para bang puwede kaming sipain eh kami nga ang Eat Bulaga."
"Kasi yung mga ganitong salita, my unsolicited advise to them, ay mag-ingat naman kayo ng pagbitaw ng mga salita, lalo at nakakasakit ang mga salita niyo."
"Kami pigil na pigil kami, antagal na naming gustong ilabas yan, pero pinipigil namin tapos biglang babanatan kami ng ganyan, para namang napaka kawawa namin, I think it's improper."
Sa ngayon ay wala pa namang reaction mula sa kampo ni Mayor Bullet Jalosjos at ng TAPE incorporated.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!