Hindi naitago ng isa sa mga original na bumuo ng noontime show na Eat Bulaga na si Tito Sotto ang kanyang pagkadismaya sa naging pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos.
Matatandaan na sa naging guesting ni Mayor Bullet Jalosjos sa programa ni Boy Abunda sa GMA7 na Fast Talk With Boy Abunda, sinigurado nito na hindi matatanggal sa Eat Bulaga ang iconic trio na TVJ.
“They’ve always been a part and will always be a part of Eat Bulaga,” pagpapahayag nito.
“Kahit baliktarin natin, hindi talaga sila pwedeng mawala, and ‘Eat Bulaga’ can’t live without TVJ, and personally, I think, TVJ also cannot live without ‘Eat Bulaga’,” dagdag pa nito.
Gayunpaman, tila hindi ito nagustuhan ni Tito Sotto, isa sa iconic trio ng Eat Bulaga. Sa panayam kay Tito Sotto nina Nelson Canlas at Aubrey Carampel, ipinagdidiinan niya na hindi nakasalalay sa mga Jalosjos ang fate ng TVJ sa Eat Bulaga.
Dagdag pa ni Tito Sotto na isa sa mga dahilan kung bakit nagsalita na siya ay ang mga naging pahayag ni Mayor Bullet Jalosjos sa Fast Talk.
“Masagwang pakinggan sa main ‘yung mare-retain kami. Para bang puwede kaming sipain, e kami nga ang ‘Eat Bulaga.’ Kami, pigil na pigil kami, pagkatapos biglang babanatan n’yo kami ng ganyan,” pahayag ni Tito Sotto.
“Mabibitawan kami ng salita na ire-retain kami. Ha? Para namang napakakawawa namin. I think it’s improper, that kind of statement is improper,” pagpupunto ni Tito Sotto.
Matatandaan na nauna nang naiulat ang pagtake-over ng mga Jalosjos sa TAPE Inc. Kasunod nito ay ang mga usap-usapang pinagreresign ng mga ito si Tuviera ang producer ng Eat Bulaga.
Hindi umano pumayag ang TVJ kaya sinama sila sa mga papaalisin.
Nagkaroon naman umano ng pag-uusap sa pagitan ng dalawang kampo subalit tila hindi pa rin sila nagkakasundo dahil sa mga pahayag na binibitiwan ni Tito Sotto.
Samantala, wala pang sagot mula sa kampo ng mga Jalosjos sa mga naging pahayag ni Tito Sotto at sa pagdidiin nitong ang TVJ at Eat Bulaga ay iisa lamang.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!