Tony Tuviera Piniling Manahimik Sa Gitna Ng Isyu Ukol Sa ‘Eat Bulaga’ at TAPE Inc.!

Biyernes, Abril 28, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng isyung kinakaharap ngayon ng longest running noontime show na Eat Bulaga at ng mga bagong executives ng TAPE Inc. tila patuloy pa ring nananahimik ng producer na si Tony Tuviera.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nagpaunlak sa imbitasyon ni Boy Abunda ang isa sa mga bagong executive ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos.


Sinagot naman nito ang mga katanungan ni Boy Abunda hinggil sa isyu ng TAPE Inc. sa Eat Bulaga. 


Matatandaang, ipinagdiinan ni Mayor Bullet Jalosjos na hindi nila tinanggal si Tony Tuviera dahil kusa umano itong nagresign. Pagsisiwalat pa nito na hindi nila aalisin ang TVJ sa Eat Bulaga.


Agad naman itong inalmahan ng isa sa mga original host ng show at ipinunto ang ilan sa mga kasinungalingan umano ni Bullet Jalosjos sa panayam nito sa programa ni Boy Abunda.


Ayon kasi sa pahayag ng dating senador, hindi naman boluntaryong umalis ang producer ng “Eat Bulaga” bagkus pinilit itong mag-retire. 


Ibinunyag rin nito ang patungkol sa pagkakautang ng TAPE Inc. kina Joey de Leon at Vic Sotto na aabot ng P30.5 million.


Sa kabilang banda, nagreach out naman si Boy Abunda kay Tony Tuviera upang ipahayag naman nito ang kanyang side sa mga isiniwalat ni Mayor Bullet Jalosjos.


Subalit, mas pinili umano ni Tony Tuviera ang manahimik nalang sa isyu ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.


“I would like the public to know na bago namin ma-interview si Mayor Bullet Jalosjos, ako’y tumawag [nang] personal kay Mr. Tony Tuviera, kay Mike Tuviera—na mga kaibigan ko, na pamilya ko at other people involved sa usaping ito."


“They chose to be quiet at naiintindihan ko po at iginagalang ko po ‘yung kanilang pananahimik,” saad ni Tito Boy.


Dagdag pa ni Tito Boy na bago pa man ang panayam niya kay Mayor Bullet ay kinontak nila ang mga Tuviera dahil alam niyang damay ang mga ito sa isyu.


“But we did call, bumusina ho kami bago kami nag-interview because you know, ang pangarap naman talaga namin is to be able to present stories as fairly as we can, and we tried to do it,” lahad ni Boy.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo