Tila tinapos na umano ng chairman ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) na si Romeo Jalosjos ang internal issue na bumabalot sa Eat Bulaga matapos ang isang productive meeting nila Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Ayon sa ilang ulat, ibinigay ni Romeo Jalosjos ang creative control ang longest-running noontime show na Eat Bulaga sa TVJ, na maaaring magligtas sa trabaho ng kasalukuyang production staff ng show.
Bahagi ng kasunduan ay huwag tanggalin ang sinumang kasalukuyang staff ng Eat Bulaga na humahawak sa produksyon.
Binigyan din nito ng kapangyarihan ang TVJ na magdesisyon kung ano ang mangyayari sa kinabukasan ng noontime show.
Maaaring magresulta din umano ang nasabing meeting sa pagtatapos ng rumored rebranding ng Eat Bulaga.
Samantala, hinihintay pa rin ng ilang mga netizens ang naka-schedule na presscon ng bagong namumuno ng TAPE sa darating na April 15.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!