Nag-enjoy at nagandahan ang mga manonood sa latest offering ng Viva Films, ang reincarnation movie na "Sa Muli" mula sa direksyon at panulat ni Fifth Solomon.
Bida rito sina Xian Lim at Ryza Cenon na gumaganap sa tatlong character mula sa iba’t-ibang panahon.
Ito ang unang pagkakataon na nagtambal ang dalawang Viva Artists Agency talents sa isang palabas.
Marami nang nagawang pelikulang pinoy tungkol sa reincarnation, pero na iiba ang stotyang ito ni Direk Fifth sa bago niyang pelikula na, tiyak pag-uusapan at papatok sa mga manonood.
Ginagampanan ng actor na si Xian ang mga character nina Victor na nabuhay taong 1900s, Nicolas na nabuhay noong 1950s at si Pep, na nabuhay sa taong kasalukuyan.
Sa bawat pagkabuhay na nangyayari kay Xian ay, paulit-ulit siyang nai-in love sa kaisa-isang babaeng kanyang inibig, sa character ni Ryza Cenon sa kuwento bilang si Aurora (1900s), Belen (1950s) at Elly sa present time.
Maayos at kaabang-abang ang pagkakalahad ni Direk Fifth sa tatlong henerasyon na bumubuo sa pelikula.
Talagang kaabang-abang ang bawat kaganapan sa pelikulang ito lalo na ng muli na silang nagkita sa panahong kasalukuyan.
Iikot ang storya o kuwento ng pelikula sa paghahanap ni Xian sa bagong pagkatao nina Aurora at Belen sa kasalukuyang panahon.
Siya lang kasi ang may ala-ala sa kanilang mga dating buhay at malinaw na malinaw pa rin sa kanyang isipan ang mga nangyari sa dati nilang mga buhay.
Ito ay upang maipaalala kay Elly na siya rin sina Aurora at Belen, at sila talaga ang itinakda ng panahon.
Kaya pilit niya itong isinama sa mga lugar kung saan sila unang nagkakilala at nagkaibigan nang dalawang beses.
Ang plano kasi ni Pep ay, muling mapaibig si Elly at mabago niya ang nakatakda upang mailigtas niya sa kasalukuyang panahon ang babaeng kanyang pinakamamahal sa tiyak na kamatayan.
Nang sa ganun ay magkaroon ng happy ending ang kanilang love story.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!