Iminungkahi ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kasong Syndicated ang aktres na si Sunshine Dizon kasama ang siyam pang individual matapos mapag-alaman nanloloko ito ng mga investors.
Matatandaan na pumutok kamakailan lamang ang balitang may nagrereklamo laban sa aktres at mga kasamahan umano dahil sa paghihikayat sa kanilang mag-invest sa Super Club gayung matagal na pala itong nagsara.
Ayon sa aming nakalap na mga impormasyon, inirereklamo ngayon ng ilang mga investors sina Sunshine Cruz, Jonathan Rubic Dy, John Marcelle Marcelino, Nino Lisandro Baltazar, Camilla Ana Bote, Cyrus Montesa, Jonathan Lin, Katushka Rumanova, Kenny Ho and Coco Yu, matapos nilang mawalan ng milyon-milyon dahil sa panloloko ng mga ito.
Ayon sa kanila, kinumbinse sila nina Sunshine Dizon ang mga partners nito na mag-invest sa club sa halagang 6 million pesos sa Ikon Worldwide Entertainment Inc., na siyang nagmamay-ari ng Super Club.
Subalit, napag-alaman sa nauna imbistigasyon na matagal na palang nagsara ang Super Club.
Sa kabilang banda, kinakaharap rin ng aktres na si Sunshine Dizon ang reklamo mula sa ibang individual mula sa Camarines Sur na niloko rin umano ng aktres.
Ayon naman sa NBI ilang beses na nilang pinadalhan ng letters si Sunshine Dizon subalit binalewala lamang nito.
“We issued several subpoenas to Dizon, et. al. to get their explanation, but all the summons were ignored,’’ pahayag ng NBI.
Ang kasong Syndicated Estafa ay non-bailable kaya tiyak na mahihinto sa trabaho ang actress at makukulong habang nililitis ang kaso sa hukuman.
Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag ang aktres hinggil sa kasong kinakaharap niya.
Margaret Sunshine Cansancio Dizon mas kilala bilang Sunshine Dizon, ay isang Filipino actress, director at producer.
Tinagurian din siyang “Daytime Drama Queen” ng ilang media outlets dahil sa kanyang acting prowess at sa matatagumpay ng teleserye sa bansa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!