Ikinuwento ng anak ni Manny Pacquiao na si Michael ang lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan, gaya na lamang ng bullying at depresyon.
Kahit na nga anak siya ng isang mayaman at kilalang tao sa larangan ng boxing, ay naranasan parin daw niyang ma bully, at pagkadepress.
Si Michael ang pangalawa sa mga anak nina Jinkee at Manny Pacquiao.
Ayon Sa binata ay hindi porket mayaman ka ay wala ng mga problema, at palaging kang masaya. Ngunit hindi ito totoo.
Si Michael ay isang aspiring musician at nagsusulat din siya ng sarili niyang kanta.Ngunit kahit ganun ay nababahiran parin ito ng malisya.
Aniya sa pag-interview sa kanya ni Julius Babao noong May 11,2023 "People think, Pacquiao lang maraming pera,’ pero hindi naman ganon."
"Like, sa music ko, I actually did it all by myself. And people thought na ginamit ko si Daddy, I asked help kasi maraming connection din, tsaka pera."
Dagdag paniya, "In truth, it’s not real. Expectation lang ng mga tao is different from reality."
Sa naging interview sa kanya ni Julius ay nagbahagi siya ng kanyang pinagdaanan, tungkol sa bullying at sa depression.
Pero mas idinitalye niya ang mga salitang ito sa naging interview sa kanya ng isang content creator na si Ned Adriano noong nagdaang taon December 2022.
Na ikuwento nga ng binata na naranasan niyang ma bully noon sa paaralan, nangyari daw ang pambubullly sa kanya sa paaralan nila sa General Santos City, na siyang home town ng kanyang mga magulang na sina Jinkee at Manny Pacquiao.
Aniya, "I couldn’t fit in, kasi Pacquiao, so they thought Inglisero lang." Sabi pa niya, Iba raw ang environment sa GenSan.
"So people thought na ano, na ako maarte, and then wala akong masyadong ano dun, e, friends."
Pagbabahagi ni Michael sa kanyang pag-aaral noon sa General Santos City, "I was bullied because of my appearance. I’m not guwapo."
"No one really wanted to talk to me. Because of my name also. They were afraid."
Pagpapatuloy pa niya, "Most of the time in school, I would hear… make fun of me, saka they would make fun of my face, my name, tsaka backstab me. Talk behind your back."
Ngunit ang mas masakit pa raw doon ay ang gumagawa sa kanya nito ay ang mga ina-akala niyang mga tunay na kaibigan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!