Nakaramdaman ng feeling of independence ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes ngayong isa na siyang solo actress.
Sa ngayon ay walang kalove team si Andrea Brillantes sa mga panibagong projects mapa pelikula man o teleserye.
Samantala, ipinahayag ni Andrea Brillantes na okey lang sa kanyang wala siyang ka loveteam. Ini-enjoy din umano niya ang pagiing solo actress dahil ilang taon din siyang nasa loveteam at palaging may katambal sa bawat projects noon.
Bagama't nasisiyahan siya sa pagiging solo actress, aminado rin si Andrea na may mga adjustments siyang kinailangan.
Si Andrea Brillantes ay kabilang sa mga cast ng IWantfc digital series na Drag You And Me kung saan gagampanan niya ang papel ng isang drag queen.
“Nahirapan din ako maging solo artist kasi noong 13 or 15 pa ako, meron na akong loveteam. Lagi kong kaibigan ‘yung loveteam ko. Simula noong 15 ako, naging boyfriend ko rin ‘yung ka-love team ko."
“Iba kasi ‘yung dynamics kapag in a relationship ka with your partner. Parang it’s not work eh, para kang may date araw-araw. Tapos ‘yung staff na kasama ko d’un sa ‘Kadenang Ginto’ is kasama ko na sa lahat ng shows ko, 15 years old pataas,” pag-amin ni Andrea Brillantes.
“Itong Drag You & Me ang first-ever show ko na wala akong dyowa na katrabaho, or wala akong friend na katrabaho. Lahat ng co-stars ko bago. Lahat ng staff, bago,” aniya pa.
Pagpapatuloy pa niya, “Nahihirapan ako na nakakapaninibago, but it’s fun to be with new people. Nakaka-work ko ang mga legends and marami akong natututunan sa kanila. It’s a first, pero set na ako dito. I’m loving the solo era. I’m loving it.”
Bagama't wala namang binanggit na pangalan ang aktres kung sino ang kanyang kalove team na naging nobyo, hindi naman na lingid sa kaalaman ng lahat na ang tinutukoy niya ay walang iba kundi si Seth Fedelin.
Sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes ang magkatambal noon sa Kadenang Ginto. Subalit si Francine Diaz na ngayon ang ka-loveteam nito.
Ang Drag You and Me ay isang modern family rom-com drama tungkol sa drag culture at ang paniniwalang “love is genderless”.
Iikot ang kwento sa makulay na buhay ni Betty ang papel na gagampanan ni Andrea o kilala rin sa drag name niyang Valentine Royale, isang palabang babae at ang ultimate ally ng LGBTQIA+ community.
Dahil gipit sa pera at para maisalba ang gay comedy bar ng kanyang pamilya, sasali si Betty sa Manila Queen Supreme, ang pinaka-engrandeng drag competition sa bansa, pero hindi nila alam na totoong babae si Betty at hindi talaga siya drag queen.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!