Isang napaka cute na video ang ibinahagi ng actress na si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account, kung saan ay humihingi siya ng pahintulot sa anak, sa pagpunta niya sa Manila.
Tila walang magagawa si Angelica sa naging sagot ng kanyang anak, maririnig kasi sa video na tila na bigkas nito ang salitang hindi ng humingi siya ng pahintulot dito.
Kaya naman caption ni Angelica sa kanyang post na ito ay, "Sa mga nagaaya sakin mag manila… paki hingi na lang muna ng permiso sa madame ko." 🫨
Samantala noong mga nakaraang araw lamang ng magkasamang nagtungo ng maynila sina Angelica kasama ang kanyang mag-ama, ay bumisita sila sa ABS-CBN.
Na kanyang itinuring na kanyang tahanan sa loob ng tatlongpong taon, ito ay ang ABS-CBN.
Isinama at inikot ng actress ang kanyang mag-ama, na si Baby Amila at si Gregg Homan doon sa ABS-CBN building.
Sabi pa ni Angelica sa kanyang caption sa post, na naging emosyonal daw siya ng kunti sa kanyang pagbabalik sa kanyang tahanan ng 30 years sa ABS-CBN building.
Malaki din ang pasasalamat ng actress sa kanyang mga bosses, dahil sa hinayaan lang daw siya nila, na e-enjoy niya ang kanyang pagiging ina sa ngayon.
Caption niya, "Last week i gave my family a tour. Inikot ko sila sa aking tahanan for 30 years."
"Nakabisita rin kami kay tita cory at ninong @direklauren 🫶 naging emotional ako ng konti. Namiss ko ang tahanan ko. Namiss ko ang mga kapamilya ko."
"Pero malaking pasasalamat at hinahayaan muna nila ko mag enjoy sa pagiging nanay ko ngayon ❤️💙💚"
Sa ngayon nga ay may katulong na ang actress na si Angelica sa pagbabantay sa kanyang anak na si Baby Amila, ay nagkakaroon narin ng oras silang mag-asawa para makipagkita sa kanilang mga kaibigan.
Nag bahagi din si Angelica sa kanyang Instagram story, ng larawan ng mga kamay nila ng kanyang asawang si Gregg Homan na mahigpit na magkahawak at may caption na "So Proud of Us."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!