Anne Jakrajutatip, Unbothered Sa Mga Hindi Pabor Sa Pagsali Ng Mga Nanay Sa Miss Universe!

Miyerkules, Mayo 10, 2023

/ by Lovely


 Unbothered at walang pakialam sa mga naririnig niyang pambabatikos mula sa mga taong inayawan ang mga pagbabago sa Miss Universe.


Matatandaan na noong nagdaang taon tuluyang nabili ni Anne Jakrajutatip ang Miss Universe at nagkaroon na rin ng mga pagbabago sa kompetisyon.


Isa sa labis na inayawan  ng ilang mga pageant fans at maging ng dating Miss Universe title holder ang pagpayag ni Anne na sumali sa Miss Universe ng mga nanay mapa single o married.


Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk, ipinahayag ni Anne na siyang CEO din ng JKN Global Group Public Limited na ito na ang tamang panahon para payagan ang mga may anak at asawa sa Miss Universe.


“I don’t care. Social inclusion must be here now. We allow them to come in. We respect them. We give them the equal chance, the opportunity because we would love to honor every woman,” saad ni Anne.


Gayunpaman, ipinunto niyang wala namang mangyayaring special treatment sa pagsabak ng mga ina dahil ang kanilang pagkapanalo ay ibabase pa rin sa pamantayan ng mga judges.


“We have them in the competition. It doesn’t mean they’re going to win, depends on the judges.” 


Matatandaan na nauna nang naiulat ang pagkontra ng kauna-unahang Pinay Miss Universe na si Gloria Diaz sa pagpayag ng Miss Universe Organization sa pagtanggap sa mga ina at transgender woman sa nasabing competition.


“My personal opinion, which is not to be taken in a negative way, dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe,” opinion ni Gloria Diaz.


“There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. Okay lang yun,” dagdag pa niya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo