Actor director na si Coco Martin tila pinaghahandaan ang bagong palabas ng GMA7 na Voltes Five Legacy na ipapalabas na ngayong darating na May 8, 2023.
Na magiging katapat ng kanyang serye na FPJ's Batang Quiapo.
Kaya naman napaisip tuloy ang mga netizens kung sinong sikat na artista ng ABS-CBN ang isasabak na naman ni Coco Martin sa Batang Quiapo.
Ayon daw sa isang source na matagal na daw itong pinaghahandaan ni Coco Martin. Sadyang ginawa daw talaga ang Batang Quiapo upang tapatan ang Voltes Five ng GMA.
Inasahan kasi ng ABS-CBN na ipapalabas ng GMA ang Voltes Five, noong nakaraang taon, Ngunit hindi ito pinalabas ng GMA, na tila ba alam na ng GMA ang gagawin ng ABS-CBN.
Na tapatan ang Voltes Five Legacy nila, kaya hindi nila ito pinalabas noong nagdaang taon.
Pero ngayon ay sigurado na daw na tuloy na tuloy na ang tapatan ng Batang Quiapo at Voltes Five Legacy ng GMA7, ngayong darating na May 8.
Ayon naman sa reaction ng isang netizens tungkol dito ay wala na daw paki ang GMA7 sa ratings, kundi sa quality nang palabas.
Dagdag pa niya na, "Batang Quiapo ang gulo ng storya, daming unnecessary character, bigla-bigla nalang susulpot sa storya, tapos bigla-bigla naman mawawala, Ganyan talaga gumawa ang ABS-CBN kasi naka focus sila sa ratings."
"Kaya gusto ko GMA dahil kahit sobrang taas ng ratings ng Maria Clara at Ibarra, hindi na nila ito pinahaba, para hindi masira ang magandang istorya."
Kung matatandaan ay ang naging katapat ng Probinsyano noon ay ang sikat na palabas ng GMA na Encantadia, kung saan ay lamang sa ratings ang GMA.
Ngunit ng biglang namatay ang actress na si Kylie Padilla ay bigla ding tinapos ang palabas.
Dahil sa pagkakbuntis nito, na kung saan ay maraming nagalit kay Aljur dahil hindi manlang daw nito inisip ang career ni Kylie Padilla.
Samantala, maraming nakapansin sa biglang pagkawala sa eksena ng mga sikat na influencer, tulad na lamang nina Toni Fowler, ang mag-asawang sina lovely at norvin, na mga kaibigan ng leading actress na si Lovi Poe sa Batang Quiapo.
Maging ang mga Batang Tondo, na mga Fliptop rapper, tulad nina Basilyo, Pistolero, Flict-G at Smuglazz.
Pahayag tuloy ng ilang mga netizens kung ginamit lang ba daw sila ni Coco Martin para makuha ang mga followers ng mga sikat na influencers na ito.
Dahil alam daw ni Coco na hindi pa kaya ng mga ito na makipagsabayan sa pag-arte hindi tulad sa mga artista na mga sanay na sanay na.
Sa ngayon ay patuloy parin na napapanood sa mga senihan ang cinematic experience ng Voltes Five Legacy sa SM cinema.
Ito ay dahil sa patuloy na pagtangkilik, ng mga kapwa nating Pilipino sa palabas na ito, kaya nagkaroon ito ng extended hanggang May 9.
Ngunit hindi din daw natin alam kung sino ang talagang lalamang sa ratings ng dalawang palabas.
Dahil hindi din biro ang serye ni Coco Martin na Batang Quiapo na hapos araw-araw viral sa YouTube.
Samantala, ayon naman sa ibang mga netizens ay baka daw kailanganin na ni Coco Martin ang tulong ng magkasintahang KathNiel na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.Na siyang pinakamalakas na artista ng ABS-CBN.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!