Binibining Pilipinas candidate, binatikos dahil sa Kanyang Sto. Niño de Cebu National Costume

Biyernes, Mayo 19, 2023

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ng samu't-saring pambabatikos ang isang kandidata ng Binibining Pilipinas matapos kumalat sa social media ang kanyang larawan kung saan nakasuot siya ng kaparehong kasuotan ng Sto. Nino de Cebu.


Hindi nagustuhan ng Simbahang Katoliko at maging ng ilang mga deboto ng Sto. Nino de Cebu ang paggamit ng Binibining Pilipinas candidate Joy Dacuron sa kasuotan na replica sa kasuotan ni Sr. Sto. Nino.


Ipinupunto ng mga deboto na dapat igalang ng lahat ang mga religious symbols ng Katoliko.


Ayon naman kay Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo, hindi sila inabisuhan sa plano ng team ni Joy Dacuron na gagamitin nila ang kaparehong kasuotan ng Sr. Sto. Nino sa pageant.


Agad namang nilinaw ng kampo ni Joy Dacuron, na wala silang intention na bastusin ang Simbahan. Nais lamang umano nilang ipakita ang kanilang pananampalataya kay Sr. Sto. Nino.


Samantala, hindi naman nila tuluyang ginamit ang kontrobersyal na kasuotan na gawa nina Markie Cadag, Chino Ledesma Christopherson at Mark Santiago.


Makikita sa ibinahagi video na ang inirampa na lamang ni Joy Dacuron ay isang Sto. Nino inspired dress.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo