Buking! Tunay Na Dahilan Sa Pag-Alis Ng Biglaan Nila Tito, Vic at Joey Kasama Ang Eat Bulaga!...

Miyerkules, Mayo 31, 2023

/ by Jerome

 


Ayon sa aming nakalap na impormasyon ay kaya daw, kumalas ang TVJ sa TAPE incorporated ay dahil sa hindi daw pinayagan ng mga Jalosjos na umere ng live ang Eat Bulaga ngayon araw.


Na tila ba isang force resignation ito para sa TVJ, dahil sa hindi na nga sila pinapayagan ng mga Jalosjos na eere ng live ang kanilang show na Eat Bulaga.


Matatandaang matagal na din naman na gustong humiwalay ng TVJ sa TAPE incorporated, para ipaglaban ang kanilang karapatan sa Eat Bulaga.


Dahil sa ibinigay daw talaga ng TVJ ang lahat, kaya naman umabot hanggang ngayon ang pamamayagpag ng naturang programa dahil sa dugo at pawis na kanilang inilaan rito.


Samantala, ayon naman sa iba pang mga lumabas na balita na medyo matagal-tagal ding diskosyon ito sa korte para sa dalawang panig dahil sa maykarapatan daw talaga ang TVJ sa programa na Eat Bulaga.


Simula nga ngayon araw ay hindi na makikita pa ang trio sa programa na Eat Bulaga, na talagang sobrang ikinalongkot ng maraming mga tagahanga nila lalong-lalo na sa mga tagasaubaybay ng programa na napapasaya ng TVJ.


Ito na nga ba daw kaya ang pagtatapos ng Era ng the longest running noontime show na Eat Bulaga.


Sa mga naging pahayag ng TVJ ay hindi naman nila na banggit kung madadala ba nila sa kanilang pag-alis ang titulo na Eat Bulaga, kaya hindi pa  malinaw sa ngayon kung anu nalang ang mangyayari sa nasabing programa.


Samantala, narito naman ang kanilang mga naging pahayag, ang sabi ni Tito Sotto, "Pumasok po kaming lahat ngayong araw, para magtrabaho pero hindi po kami pinayagan ng new management na umere ng live."


Pahayag naman ni Joey De Leon, "July 30, 1979 po, ng simulan namin ang Eat Bulaga. 44 years na po ito ngayong taon na ito."


Dagdag pa ni Joey, "Kaya naman lubos ang aming pasasalamat, sa mga naging tahanan namin. Ang RPN9 for 9 years, ABS-CBN for 6 years at ang GMA for 28 years."


Heto naman ang naging pahayag ni Bossing Vic Sotto, "Salamat din sa lahat ng advertisers mula 1979, na nagmahal at nagtiwala at sumuporta sa amin."


"Ito po siguro ang pinakamahirap na desisyon na ginawa namin simula 1979. Hindi na po namin isa isahin pa ang laman ng aming puso."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo