Christian Merck Grey Hindi Magbibigay Ni Isang Kusing Kay Xander Ford

Huwebes, Mayo 18, 2023

/ by Lovely


  Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na ang content creator na si Christian Merck Grey aka MakaGwapo sa paniningil ni Xander Ford Arizala sa kanyang ipinangako umanong 349 thousand pesos para sa binyag ni Baby Xeres.


Matatandaang, ilang beses na sinisingil ni Xander Ford si MakaGwapo dahil ipinangako umano nitong magbibigay ng pera sa kanila dahil isa siya sa mga ninong ni Xeres, anak ni Xander Ford at Gena Mago.


Humingi pa ng tulong si Xander Ford sa iba pang influencer na tulungan umano siyang maningil kay MakaGwapo dahil kinukuha na umano niya ang perang para sa kanila.


Agad itong sinagot ni AwitGamer, isa gaming content creator, at nangako kay Xander Ford na tutulong sa paniningil kay MakaGwapo.


Sina MakaGwapo at AwitGamer ay hindi magkasundo.


Samantala, tila napuno na si Christian Merck Grey sa paniningil ni Xander Ford online kaya nagbigay na siya ng pahayag hinggil rito.


Bilib na bilib umano siya kay Xander Ford dahil ito lamang ang kilala niyang ama na nagpabinyag at nagkaroon ng magarbong handaan ngunit wala palang pera at umaasa lamang sa mga ibibigay ng mga ninong at ninang.


Ayon kay MakaGwapo, hindi siya nangako kay Xander Ford na magbibigay ng 349 thousand pesos sa pagiging ninong niya sa anak nito at wala rin umanong mailalabas na resibo si Xander na nangako siya sa ganoong halaga.


Gayunpaman, aminado si Christian Merck na nagkabiruan sila noon kung saan pabiro niya umanong sinabi na baka sagutin na niya ang pagpapabinyag ni Xeres.


Paglilinaw pa ni Christian Merck Grey na hindi siya nakapunta sa binyag dahil hindi naman umano siya binigyan ng invitation ni Xander Ford. Hindi rin umano nila napag-usapan ng pormal ang pagiging ninong niya sa anak nito.


Sa huli, ipinunto ni Christian Merck Grey at pinaalalahan ang lahat na hindi obligasyon ng mga ninong ang pagbibigay ng panghanda sa binyag ng mga inaanak kundi ang gabayan ang mga ito na maging mabuti hanggang sa kanilang paglaki.


Sinag-ayunan naman ang pahayag na ito ni MakaGwapo ng ilang mga netizens at ibinunton ang lahat ng sisi kay Xander Ford.


"Hahaha lesson learn wag kasi iasa sa ibang tao ang mga bagay bagay. Pwede nman mag pabinyag ng simple lang. ang mahalaga ay nabinyagan ang anak mo."


"Very well said. Tumpak lahat. Pag magulang kana wag mo iasa sa iba ikaw mismo na magulang gumawa ng hakbang para mabili at mabigay mo sa anak mo ang gusto mo para sknya. Tama yun."


"May Point ka ang binyag di nman dapat pinagkakakitaan. (Galit tlga ang mayabang sa kapwa nya mayabang)"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo